matang saksi


Matamis na kataga ang nagsusumamo;
Maria Clara kung kumilos, ako'y nahalina;
Paslit na isipan ako'y sinabihan;
Sa kanyang kaibigan kami inaanyahan.

Pagsapit sa aming paroroonan;
Ako yata ay nagkakamali ng pinasukan;
Naturingang bahay para sa mga banal;
Sa aking murang isipan;
kalooban ko'y lumalaban.

Sumapit ang dilim;
Pinilit kong magtulog tulugan;
Sa ingay ng harutan at hagikgikan;
Tagos sa dingding ang kanilang
lampungan;

Hindi makapaniwala;
Mga matang saksi sa kasamaan;
Hindi ito ang taong iginagalang ng bayan;
Sa kabila ng nagsusuot abitong puti;
Tigmak sa kaputikan;

Katulad ng isang manok
Nakawala sa kulungan;
Nagkakaykay sa hindi nararapat na lugar;
Kung kaya hindi makamtan ang kasiyahan;
Isang banal, tigmak sa kaputikan.

1 comment: