Ang sinapupunang banal ay kanlungan ko pa din ngayon,
Tuwing nadadapa at nasusugatan, siya pa din ang
naghihilom,
Siya'y dampa na tahanang sa unos ay tumutugon,
Pintuan at bintana niya'y nakabukas sa tutuloy.
I
Init ng pagmamahal niya'y lakas ng anak na mahina,
Parang pakpak ng inahin sa mga anak ay kalinga,
Nawawala ang pangamba lahat ay makakaya na,
Basta ikaw aking ina ay kapiling ko tuwina.
II
Ikot ng araw niya'y lampas katanghalian na,
Dalangin ko sa Diyos Ama ang buhay niya'y habaan pa,
Sapagkat gawin mang isang libo ang anak na magmamahal sa
kanya,
Ang Nanay ay walang kapalit sapagkat siya'y nag-iisa.
No comments:
Post a Comment