Paano magsabmit ng tula sa "Makni"?




Bukas ang blog na ito para sa lahat ng makatang taga-Pantabangan. Puwede kahit anong tema,  Ingles man o Filipino, basta hindi nanlalait ng kapuwa batay sa pagkatao.  Ubra rin ang mga tulang nagi-eksperimento sa anyo basta huwag laang masyadong marikotitos, baka iluwa na ng ating blog ang inyong eksperimentasyon.

Ipadala ang inyong tula, kasama ang inyong pangalan at kung saang lupalop kayo nakabatol sa kasalukuyan, sa boonfire@gmail.com   Puwede ring may litrato.

Kapag palamya-lamyarda ang punong-abala ng blog, mahaba na ang isang linggo para ma-post ang inyong tula. At panghuli, sama-sama tayong mangarap: sana matuloy na ang paglilibro ng mga tula natin sa 2020.

Tara, sulat na!

   

   

No comments:

Post a Comment