Showing posts with label Elito V. Circa. Show all posts
Showing posts with label Elito V. Circa. Show all posts

Sining: Sa Aking Pananaw


(Sagot sa tulang "Sining at Kultura" ni Bonifacio Ibarra

Sa ganang akin?
Sining, isang pag-uukilkil na biyayang banal
Ni hindi masasalag ng pisikal at katayuan
Espiritu ng bawat kultura at pagkakakilanlan

Ang bayan?
Maaaring paunlarin sa pamamagitin ng sining
Magpamulat ng mga mata at isip na itinikom
Ng mga karangyaan at kapangyarihan sa lupa

Walang sining?
Mawawalan ng saysay ang kultura’t buhay
Turismong walang dangal at komersyalisismo
Dumudurog sa taguring atin at pagka-atin

Tama, Totoo,
Kultura ay sumasalamin sa bayan at bansa
Pagkakakilanlan ng pinagmulan ng uri ng lahi
Kulturang itinatago na maaaring maglaho

Sa ganang akin?
Sining at kultura hindi mismong ang bagay
Kundi ang mga produktong iniluwal nga nito
Na nangangailangan ng halaga at pag-aaruga

PANAGHOY NG BAYAN

Dumarating na 
Daloy ng pagbabago
Tubig na libingan ng mga alaala
At ng yaman kong kalikasan

Paalam sintang bayan, 
kung batid mo lamang
Taghoy mo’y punyal 
na nakatarak sa aking puso

Masakit mang pagmasdan 
Sisinghap-singhap mong kalagayan
Kailangang tiisin at tanggapin
Alang-alang sa hakang kaunlaran

"O bukid kung yaman
Bakit ako iniwan 
Dito sa kawalan"

O bukid kong kanlungan 
at banga ng mga alaala
Kaluluwa mo’y ialay sa tubig
Upang sa bawat inom ko nito’y 
Dumaloy sa ugat at dugo 
ng aking pangungulila

Paalam sintang bayan,
paningin ko’y hahalik 
sa bawat umagang ika’y matunghayan