Ang Lapis at Papel

Lapis at papel
Ang aking libangan
Pamawi ng lungkot
Dito sa  dayuhang bayan,
Sa lapis at papel
Naiibsan sumandali
Ang pangungulila
Sa naiwang pamilya
Na pagkalayo-layo.

Sa umaga paggising
Lapis agad ang yakap ng mga daliri,
Ibubuhos sa papel  ang laman ng dibdib:
Mangungumusta, makikibalita,
Magtatanong kung may araw o may ulan;
Ibabalita ang lamig ng niyebe.

At lagi kong binabanggit
Na ayos naman ang buhay,
Kumakain ako nang sapat
At ang tulog ay kaysarap;
May silid  at liguan,
May TV at telepono
Bukod pa ang computer
DVD  at saka radio.

Kapag Linggo’y nasa pasyalan,
Sa kapatid o  kaibigan;
Nililibot ang magagandang lugar,
Naglalakad, sumasakay
Sa bus, sa ferry o sa tren;
At maraming nakikitang
Mga  taong  masasaya.

Kaya kahit malayo
at paglalayo ay kaypait,
Dahil sa lapis at papel
Pagmamahal ay malapit;
Sa piling ng tinatangi
May pag-asang makakamit.

No comments:

Post a Comment