(PARA SA KARAWAN NG MGA MAGULANG)
Ina
halos 16 na taon na din ng huli kitang makita
tanda ko noon nang paluin mo ako

dahil
nagnakaw ako ng balubad ni Patay na ilog,
sabi mo kahit mahirap laang tayo
sabi mo kahit mahirap laang tayo
ay
hindi mo kami pinalaking magnanakaw
kasama mo akong nagpapatani sa kaingin ni kuyang Frod
kasamang nagsisimba tuwing Linggo
namimis ko na rin yung lagi mong iniluluto

na
binagungang talbos ng ampalaya na may kamatis,
kahit
alang tinapa masarap din;
kasama kitang nahiram ng bigas kapag alang maisaing
alam mo ina kung ang tawag nila sa akin noon ay pasusot na bata
Sir, na ang tawag nila sa akin ngayon!
kung noon nakikihiram laang ako ng bisikleta,
meron na din akong serbis na ginagamit ngayon -- maganda siya ina,
sabi ko sana, andito ka para maisakay kita, ililibot kita kahit saan
pero alam ko hindi ka sasakay, kasi uuk-ukin ka laang

sana
ina nakikita mo kapag akoy kanilang pinapalakpakan
sana
naririnig mo kapag sinasabi nilang magaling ang iyong sinabi
sana
nakikita mo kapag kumakain
at
tinatanong nila ako kung ano ang gusto ko
Ina, kahit masarap na ang kinakain ko ngayon,
hinding hindi ko ipagpapalit ang luto mo kahit patani laang
kasi alam ko luto mo yon, kahit kung minsan alang bitsin
kasi nga alaman tayong pambili
Maganda na rin ang tinutulugan ko ngayon,

Malamig
at aircon pero, Ina, hinding- hindi ko ipagpapalit
yung
higaan ko noon, yung katabi kita,
tapos
kapag mainit papaypayan mo ako
alam ko napupuyat ka, pero ginagawa mo yun makatulog laang ako
alam mo ina kung mayroon man akong hinihiling sa diyos,
sa mga oras na ito, sasabihin ko sa kanya
bigyan naman niya ako ng kahit isang minuto na maakap ka
para masabi ko sayo na salamat ina sa lahat ng ginawa mo sa akin
ina gusto ko palang sabihin sayo
alam ko at nakikita ko
mahal na mahal ka pa rin ni tatang hangang ngayon.
MALIGAYANG KAARAWAN NG MGA INA
ang bunso mong anak,

SWE
No comments:
Post a Comment