Sangandaan

Minsan sa ating buhay
May isang pusong darating
Na pupukaw sa damdamin
At ating  mamahalin.

Kaligayaha’y tulad ng batis
Bumabalong ang pag-ibig
Katulad ng isang awit
Sa simula ay parang langit.

Minsan sa ating buhay
Sangandaan ay darating
Aling landas ang pipiliin,
Aling daan ang susundin?

Ang isip ba o ang damdamin?
Nagtatanong paulit-ulit, paulit-ulit:
Ang isip ba o ang damdamin?
Sinisikil ang ligayang hindi nakamit.

Minsan sa ating buhay
May isang pusong aalis
Dala-dala ay isang awit
Ang himig ay sakdal sakit.

Parang kislap sa takipsilim
Liwanag sa isang saglit
Parang bula sa ating palad
Sa isang iglap mawawaglit.

No comments:

Post a Comment