sunong ang mabangong labada
at bitbit ang timbang may bakasel
at susong kabalyada;
ang kutis niya ay mamula-mula
dahil sa init ng maghapong pagkababad
sa ilog na hanggang tuhod.
Inasikaso agad niya ang aming hapunan,
hinarap ang abo at tungko ng kalan;
habang kaming mga bata’y nakatanghod
nag-iintay na main-in ang kanin
at maluto ang inabraw
na may sahog pang tinapa sa ibabaw.
Bunso nami’y
nakahapon sa dulang,
ang isa nama’y nagngangakngak
at ang isa pa’y
natutulog pa sa duyan.
Nang maluto ang
hapunang inaasam
mga siko nami’y
nag-umpugan
sa pag-aagawan sa
tabong hinawan;
pabilisan sa
pagdumog sa hapag,
at sa wakas
nakaraos, masaganang hapunan.
Sa gabing pisak sa dilim,
may ilaw kaming makulimlim;
maririnig ang lagitik ng tumba-tumbang magiting
umuugoy habang tatlo kaming nakahapon
sa kandungan ng inang malalim ang panimdim.
Wala kami noong mapaglaruan
o librong mabasa man lamang
o kahit musikang kahong pang-aliw;
tanging kuwento tungkol sa amat
ang sa ami’y panglibang.
Makikilatis sa mga
mata ni ina
ang layo ng
pag-iisip sa mga gastusin – matrikula
at iba pang gastos
sa eskuwela at pagkain.
Sa mga pisngi
niyang matatalim,
sa malalalim na mga
mata,
mababakas ang puyat
at ang pagod
sa paggiling ng
bigas,
sa pagdangdang ng dahon
ng saging,
at sa paghahalo ng
biko
at pagluluto ng
bibingka.
Sa ganito niya kami
idinaos,
pinag-aral kahit
kapos na kapos.
Wala siyang patid
sa pagsusunong ng bilao
upang itinda ang
mga kakaning
magdamag na niluto;
kinabukasan, halos
walang tulog
nakapatalan sa ulo
ang mga paninda
kumakampay ang mga
braso habang naglalakad
papunta sa
eskuwelahan at munisipyo.
Kaming mga paslit
maiiwan sa tahanan,
mag-iintay sa sa
kanyang pagbabalik;
at sa kanyang
pagdating,
pupupugin kami ng
halik at pananabik.
Si ina, magiting na
inang walang bisyo,
walang ibang laman
ang dibdib
kundi ang hangaring
maitaguyod
at mabuhay nang
marangal kaming mga anak.
Walang kaparis,
isang uliran
buong tapang na
lumaban sa kahirapan,
Ina, bayani ng aming buhay.
For our dear mother
ReplyDelete