Ng
malasahan mo, ang anggi ng kayamanan,
Ay
pinagpalit mo, prinsipyo mo’t karangalan,
Kaya
ngayo ikaw’y walang pakialam,
Sa bayan
mong api at tinatapakan.
Ang puso
moy pinatulog at pinahimbing,
Parang
walang malay, patay malisyang ipininid
Sinaksakan
ka na siguro ng sobrang pampamanhid,
Nang di
maramdaman mga pusong nagtitiis.
Patuloy
kang hinehele ng mga ilusyon,
Nakatikim
kana kasi sa iyong panginoon,
Nagtaksil
sa ‘yong konsensya, para lang sa iisa,
Paano naman
ang bayan mong nagluluksa?
---------
Para po
sa lahat:
Kung
bubuksan mo ang iyong bibig, pandinig.
Idilat ang mata sa karimlan,
Palambutin
ang pusong pinatigas
ng kakarampot na kaalwan ng kaligayahan,
Makikita
mo ang ating bayan,
Bayan ng PANTABANGAN.
No comments:
Post a Comment