kumatok sa pinto ng kalarong mutaan at sipunan
na inakit at inuto upang ako samahan
na mang-umit ng blanco at alhambra sa aming tindahan
upang baunin sa isang batyang labahan
pagdating sa ilog na pumapalakat ang agos
nag-unahan sa puwesto para mag-redi sa pagkukusot
inilabas ang palu-palo at sabong bareta
at syempre pati ang sigarilyong itim na alhambra
sinubong pabaliktad ang naturang sigarilyo
nasa loob ang baga, parang tambutsong umuusok
tumutulo ang laway habang naglalaba at nagbibida
mayamaya’y umikot ang mata, nahilo na pala
tinangay ng agos
ang labadang kinukusot
palibhasa’y nakahandusay na sa tabi ng ilog
kalaro ay agad na
kumuha ng dahong ambabangot
upang ipaamoy sa ilong kong puno ng kulangot
pag-uwi, binulaga ng mulagat na mata ni nanay
nalaman nya na ako’y nagpaswi, tumulo ang laway
kapagdaka’y humaginit sa hangin ang pamalong uway
ang malikaskasan kong tulatod, sa pasyok naglatay.
napa-aringking ako at halos humilahod sa kirot, aray!
at walang nasabi kundi: “aray ko po di na po uulit nanay”
Hahaha
ReplyDeleteMakatawa
ReplyDelete