Paalam Kapatid


natapos na ang pagdadalamhati,
natapaos ang gabi,
baon mo ang pait at pighati,
angkas mo sa lapnos mong puso
ang kapalaran mong di mo inaasam.

ipinaramdam sa iyo ang hagupit ng lupit,
pagmamahal na nais ay pinagkait,
kaysakalap,  kay lumbay
ng iyong pag panaw

nag-iisa kang nakahandusay,
ni isa walang naka-alam,
masakit isipin na ikaw  ay kulang
ng pagkalinga dito sa kandungan

subalit ngayon ikaw ay masayang maglalayag,
papalaot at maglalakbay,
makikita mo ang buhay na walang hanggan
kung saan doon mararanasan
tunay na kalayaan at katahimikan

baunin mo ang aming pagmamahal na tunay
at kahit kailan ma'y di ka malilimutan
dito ka naka-ukit sa aming pusong nagmamahal;
muli ay paalam, sa  paglalayag mo ay magpakahusay
sa kalawakan,  maging tanglaw ka sa aming buhay!

1 comment:

  1. alay ko ito sa kapatid ni mannix na panganay dennis saan ka man naroroon sana ay maligaya ka at payapa.

    ReplyDelete