Sa maitim na makapal na ulap;
Hinahablot ang mga sinampay
At mga nakakulang damit
Sa pagdagsa ng buhos ng ulan.
Nupnop sa maghapon;
Gumuguho ang kalsada,
Tinatangay nang hangin si Kuyang Los
Kasabay ng yerong tangan-tangan.
Aninag ng mga paslit
Ang naaanod na bahang dugyot;
Taong dumadaan sa putikan
Nakatago ang mukhang
Tanging pandong ay kalapyaw,
Akay-akay ang kanyang kalabaw;
Hinahablot ang mga sinampay
At mga nakakulang damit
Sa pagdagsa ng buhos ng ulan.
Nupnop sa maghapon;
Gumuguho ang kalsada,
Tinatangay nang hangin si Kuyang Los
Kasabay ng yerong tangan-tangan.
Aninag ng mga paslit
Ang naaanod na bahang dugyot;
Taong dumadaan sa putikan
Nakatago ang mukhang
Tanging pandong ay kalapyaw,
Akay-akay ang kanyang kalabaw;
Libangan namin ang dumungaw.
Sa tahanan nakahalukipkip
Ang Ama kong nakabantay sa pag-inin ng kanin;
Nakatupang mga musmos,
Inaamoy ang ulam na inabraw.
Pagsapit ng gabi
Nakatupang mga musmos,
Inaamoy ang ulam na inabraw.
Pagsapit ng gabi
Halos matuklap ang atip
Sa ihip ng hanging masungit;
Nakasahod na tabo at timba
Sa tulo ng ulang tagos sa bubong.
Sa ihip ng hanging masungit;
Nakasahod na tabo at timba
Sa tulo ng ulang tagos sa bubong.
Katabing natutulog
Ang amoy ng katol
Na mas mabagsik pa kaysa kagat ng lamok,
Langhap na langhap ang usok;
Tanging boses ni Tiya Dely
Ang nagpapaantok.
Kagat ng surot ang nagpapabalikwas
Papunta sa madilim na kasilyas,
Sasamahan ng kuyang takot sa amat;
Nakaharang sa pintuan, nhandang kumaripas;
Baka merong nakasulyap mula sa punso,
Nunong mas maliit pa
sa aming bunso.
Nakasangkal sa sahig
Ang tapayang puno ng tubig;
Kung di mag-iingat sa paghakbang
Ang tapayang puno ng tubig;
Kung di mag-iingat sa paghakbang
Ikaw ay mabubuslot
Sa batalan kung tawagin,
Pinagliliguan at kusina na rin.
Magpatulo ka ng tubig
Baka merong mabikig!
Sa batalan kung tawagin,
Pinagliliguan at kusina na rin.
Magpatulo ka ng tubig
Baka merong mabikig!
Ang boses ng Ina namin
Naririnig ko sa aking pag idlip --
Ilatag mo ang banig!
Baka sakaling ang manliligaw
Ay umangat sa kinauupuan.
Kuwentuhang hindi mapuknit
Nakakabit man ang kulambo
At kahit anong lamlam
Ng nag iisang ilaw,
Tuloy pa rin ang ngisngisan
Sa gabing hindi mapugnaw.
Tanging liwanag ng buwan
Sa aming palaruan ang tanglaw
Ng mga binatat dalagang nagdidigahan.
Masasayang alaala ng aming nakaraan;
Naaninag ko pa, parang kailan laang.
No comments:
Post a Comment