Sandali Lang Aking Anak

Parang kailan lang di ba?
Nang ako’y nagpaalam
Sa iyo aking anak
Aalis muna ang iyong ina
Upang tumungo sa bansang Canada
Ang malungkot mong mga mata
At mahigpit mong mga yakap
Ang nagsilbing agam-agam
At kayhirap sa damdamin
Pati ang bayang sinisinta
Kahit na sa gunita
Parang hindi ko makakaya
Di na kayang tapakan pa
Subali’t gaya ng sinabi ko
Sandali lang aking anak
Sa puso ko babaunin
Ang pagmamahal ko sa iyo
Hindi kita lilimutin
Ikaw’y laging aalalahanin
Sa bawa’t sandali ay palilipasin
Pangalan mo ay uusalin
Tatanawin sa bintana
Ang malayong papawirin
Larawan mo’y  hahalikan
Bago matulog sa gabi
Panalangin,dadasalin
Aking anak sana’y ligtas
  
Mahal na Poong San Andres
Kasali siya sa paggabay
Ito lamang ,aking hiling
Sa matuwid ,siya’y ihatid
Aking anak lumalaki
Tanging ama ang kapiling
Sana’y kapwa makatiis
Sa pagsubok ng pagkawalay
Akong ina ng tahanan
Sinubukang mangibang bayan
Tingin ay bagong pag-asa
Bagong buhay sana’y palarin.


No comments:

Post a Comment