Ang lumang Pantabangan
Na aking sinilangan
Doo’y simpleng buhay
Masayang karanasan
Nung ako ay bata pa’t
Nagsimulang nagkamalay
Kami’y naglalaro ng bahay-bahayan
Buwal preso,ihip,sungka at tagu-taguan
Pagsapit ng gabi sa liwanag ng buwan
Kami rin ay di maawat sa pagbibidahan
Lalo’t magkikita kila Inang Tentay
Subali’t pag nag-umpisa ang katatakutan
Sa pagkaripas ng takbo ay una-unahan.
Sa punong balimbing naalala rin
Kami’y umaakyat
Kahit na madilim
May baong sitsaron,butong pakwan at asin
Minsan ay kumakanta,kaya napapansin
At aming mga nanay,kami raw ay pauwiin.
Kapag bakasyon na lagi kaming sumasama
Sa pangangahoy doon sa tumana
O kaya sa malapit sa ilog kung tawagin
Bundang,Dipunglo at Tawirang Bukid
Pagkatapos mangahoy,kami’y nagpipiknik
Bao’y kanin at bukayo at kapirasong daing
Mayroon din namang pindang,de lata at saging
Kaya’t kahit kami’y pagod,
Uuwi namang busog.
No comments:
Post a Comment