Pipikit sandali
At magmumuni-muni,
Panaginip lamang kaya
O katotohanan
Na dapat tanggapin
Na tayo’y magkalayo muna
At di magkapling?
Sa bawat sandali
Puso’y may pighati.
Inaasam-asam ko ang dating buhay --
Sabay na dumudulog sa hapag-kainan
Pinagsasaluhan ang pagkaing
Inani sa bakuran,
Sa masayang kuwentuhan
Ng kung anu-anong bagay
Naroon ang tuwa at pagbibiruan.
Ngayon pagsapit ng gabi
Kapiling ko ang lungkot;
Kayakap ka sana
Sa aking pagtulog,
Pero ni isang bulong mo
Wala nang marinig,
At walang madama
Kahit na kalabit.
Ang ating tahanan
Kahit na maliit,
Ngayon ko naisip
Kayhirap umalis;
Lalo’t dati-rati’y
Sama-samang tunay
Ang isang pamilya
Na nagmamahalan.
Mahirap ang malayo
Sa piling mga minamahal,
Parang nakatusok na tinik
Sa laging hapong dibdib;
Lalo na pag naiisip ang bunsong
Ngayon lamang nawalay
Sa piling ng inang sumusubaybay.
No comments:
Post a Comment