Ang tatay ko’y Mangingisda

Daras at puthaw ang lumabra sa bangkang
Gapok ni Tatay upang ang tilas ay mawala.
Napapagod siya sa paglimas-gaod sa lawa
Higit pag maalon at nang-aaldabis ang habagat ng Aya.
Pisak na sya habang binabagtas ang maalon na ilog,
Makahuli lamang ng Isdang maiihain sa hapunan,
Panay ang sakyod nya sa sagwan, na tila halos hindi makausad gawa ng alon,
Tumutulo ang pawis, Basang basa na ang madusing na damit,
Ilang saglit lamang, Iuumang na nya ang mga nahabing lambat, bukatot, at patukba.
Sa di kalayuan gagawa sya ng munting silong para managhalian.
Habang naghihintay kinuha nya ang munting patpat kinabitan ng pisi at kawil
Upang hindi masayang ang oras habang hinihintay ang pag pandaw ng mga umang.
Dumating ang oras ng pamamandaw, lumalakas ang hangin tila nagbabadya ang ulan,
Nagmamdali itong sumakay para likumin ang mga lambat na inumang,
Kahit pagod na, Masaya ito sa pag ayuda dahil sa huli ng lambat ng pag-asa.
Nilagay sa pabyayan ang mga biyaya ng kalikasan.
Sa pagdaong ay hinahayuma ang warat na mata ng lambat
Na sinira ng yangkaw na sa agos ay yumakap.
Tinututos ng sikwan ang lawayan sa tinggang humahawak
Sa pamaa at pinipitisan ang pataw na antaw ang pag-ayap.
At sa muling pagkiling ng nahapong dapithapon,
Pasan ng kurkubadong likod ang lambat at labit ang sagwang isusudlong
Upang ibunsod ang bangka at ikalat ang lambat sa gumugulong
Na along pinababangon ng amihang simoy.

No comments:

Post a Comment